Friday, February 13, 2009

Ang Sabi Nila


Ang sabi nila

Ang isang mason daw
Ay isang tao na mapagpakumbaba,
Na halos hindi mo na mapansin,
Maliban lang sa kanyang matahimik
Na pagtupad sa mabubuting gawain.
Hindi daw madaldal, hindi mapagmataas,
Hindi sinungaling at hindi bolero.
Marangal at kapuri-puri daw,
At hindi mandaraya o
Manloloko ng kapwa-tao.
Matapang daw kapag prinsipyo na
Ang pinag-uusapan.
Duwag naman daw kapag katiwalian na
Ang gagawin.
Higit sa lahat,
Ang paggalang daw ng mason sa kapwa-tao
Ay halintulad sa paggalang niya sa Diyos.
Ang sabi nila.

Ka Freddie